


| Random | Shots |
| Music | THEME |
6 pm natatapos ang management class namin. Ito ang aming uwian time. Sa mga oras na ito, grabe ang traffic kaya mabagal gat ang usad ng mga sasakyan. Nung friday, 6:30 na ako nakarating sa paradahan namin. Madami gat tao as in kaya unahan gat sa pagsakay. Ayoko na makipagunahan kung ang mga kalaban ko mga wild. Grabe ang mga tao parang wala nang bukas, pinapanood ko lang sila. Grabe ang unahan, tulakan gat. Tumatawa na gat ako pagover-over na ang takbuhan, di ko to kaya. Tapos meron ba yun isang bakla dun sumisigaw na ng “PREPARE YOURSELVES! PREPARE YOURSELVES GUYS!” Natawa na gat ako. Talo pa ang hunger games sa unahan. Sana ako nalng si Katniss Everdeen.
So ngayon,expected na pag uwian, may prepare yourselves moment nanaman.